HomeCelebritiesLolit Solis, gustong ipa-euthanasia ang kanyang aso kapag nauna siyang pumanaw: Sama...

Lolit Solis, gustong ipa-euthanasia ang kanyang aso kapag nauna siyang pumanaw: Sama siya sa cremation ko

Nagbigay na ng kanyang habilin ang beteranang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis kung sakali man na dumating na ang araw ng kanyang pagpanaw.

Isa sa kanyang mga habilin ay ang isama ang kanyang long-time pet na si Jokjok sa kanyang cremation.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Lolit na kung mauna man siya sa kanyang aso ay ipapa-euthanasia niya na lamang ito upang sabay na silang i-cremate.

“Pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, pa sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko. Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok,” wika ni Lolit.

Ibinahagi din ng talent manager na nag-iiba na ang takbo ng kanyang buhay at inamin niya na nagiging dahilan ito para dumaan siya sa depresyon.

“Nagpri pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi depress ako. Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba narin ang sked ko dahil sa dialysis. Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw pahinga, 4 days na agad nawala sa akin.” pagbabahagi niya.

“Iba na talaga takbo ng buhay ko, iba na. Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa sad ako. Iyon bang sana nuon mas bata ako nagkasakit, sana nuon mas matibay pa katawan ko. Hindi ngayon na old na ako kaya parang madali ng manghina. I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang.” dagdag niya pa.

Matatandaan na isinugod sa ospital nitong nakaraan lamang si Lolit dahil sa kanyang karamdaman.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular