HomeCelebritiesIsyu sa pagitan ni Cherie Gil at Vice Ganda, nag-trending muli sa...

Isyu sa pagitan ni Cherie Gil at Vice Ganda, nag-trending muli sa pagpanaw ng aktres

Sa pagpanaw ni Cherie Gil ay inalala ng mga netizens hindi lamang ang kanyang mga naiambag sa pelikulang Pilipino kundi pati narin ang mga isyu na tumama sa kanyang career.

Isa na ata sa mga hindi malilimutan na isyu ay ang pagbatikos noon ni Cherie sa komedyante na si Vice Ganda dahil sa mga nasabi nito sa concert nito na ‘I-Vice mo ako sa Araneta’ na ginanap noong 2013.

Matatandaan na inulan ng batikos noon si Vice dahil sa ginawa nitong katatawanan sa kanyang concert ang ilang personalidad katulad ni Jessica Soho.

Hindi naitago ni Cherie ang kanyang pagkadismaya sa mga sinabi noon ng komedyante.

“To Vice Ganda: you are one of those scums of the earth. Shame on the Filipinos who laugh at such insensitivity and tactlessness,” sabi ng aktres.

 

screencap 2022 08 12 at 5.03.15 AM

Ibinahagi naman ng ABS-CBN ang pagtatapos ng hidwaan sa pagitan ng dalawa na nangyari sa noontime show na It’s Showtime.

“Thank you, Vice Ganda, so much for letting me get to know you today in the deepest most real sense, in your most honest being and for letting me to get to know you as a person through that song. You touch my heart,” sabi ng aktres.

Hindi naman naitago ni Vice ang kanyang emosyon at sinabi na hindi na kailangan pang humingi ng paumanhin ng award-winning actress dahil sa opinyon niya naman ito.

Pumanaw noong Agosto 5 si Cherie matapos ang ilang taon niyang pakikipaglaban sa cancer.

Halos limang dekadang naging parte ng showbusiness ang aktres kaya naman todo ang pasasalamat ng industriya sa naiambag niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular