HomeCelebritiesGrupo ng mga vendor sa Boracay, ipinagtanggol ang P16,000 na singil sa...

Grupo ng mga vendor sa Boracay, ipinagtanggol ang P16,000 na singil sa hair braiding sa isa ng foreigner

Pumalag ang grupo ng mga umaasa sa turismo sa Boracay Island sa akusasyon na nagkaroon ng overpricing sa hair braiding service sa isang turista.

Matatandaan na nitong Agosto 7 ay nagreklamo ang isang manager ng hotel sa Boracay dahil sa siningil ang guest niya ng P16,000 para sa pagpapatirintas ng buhok na usong uso sa nasabing isla.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community.” sabi ng hotel manager.

screencap 2022 08 07 at 4.20.55 PM

Ngunit ayon sa presidente ng Malay Boracay Vendors, Peedlers, Masseurs, Manicurist and Hairbraiders Association Inc., na si Jomar Saan ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng turista at ng braider na aabot sa P16,000 ang pagtitirintas sa buhok nito.

Ayon kay Saan ay maraming tirintas ang pinili ng bata at umabot ng limang oras bago ito makumpleto kaya naman tama lamang ang kanilang singil na P16,000.

Paninira lamang diumano ang nasabing post mula sa nasabing hotel manager.

Kung titignan ay hindi naman talaga umaabot kadalasan sa mahigit P1,000 ang singil sa braiding sa Boracay.

Ngunit kung titignan sa ilang vlog ay makikita na kadalasan na sinisingil ng libo libo para sa braiding ay ‘yung mga turista o wala talagang alam sa kung magkano ang presyuhan sa Pilipinas.

May ilan pa ngang turista na tinawag na ‘scam’ ang nasabing hair braid sa Boracay.

Wala pang pahayag ang nasabing hotel manager sa pagpalag ng nasabing grupo sa kanyang complaint.

Kahit ang Malay LGU ay wala pang komento tungkol sa nasabing isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular