HomeCelebritiesDating ABS-CBN newscaster sa nangyaring deal sa Kapamilya at TV5: "Puwede na...

Dating ABS-CBN newscaster sa nangyaring deal sa Kapamilya at TV5: “Puwede na palang paikutan ang Kongreso!”

Isang dating ABS-CBN newscaster ang nagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa mangyayaring deal sa pagitan ng Kapamilya Network at TV5.

Ito’y kahit na hindi na nabigyan ng prangkisa ng kongreso ang ABS-CBN dahil diumano sa mga nakita nilang paglabag na ginawa ng nasabing istasyon.

Sa kanyang Facebook post, tinanong ni Jay Sonza ang mga kongresista kung naisahan nga ba sila ng mga may-ari ng ABS-CBN dahil sa tila magbabalik na muli sila sa kanilang negosyo kahit na wala silang prangkisa.

Matatandaan sa ulat ay nag-invest ang ABS-CBN sa TV5 sa pamamagitan ng pagbili ng 6,459,393 primary common shares na magbibigay sa Kapamilya network ng 34.99 percent na total voting at outstanding capital stock sa TV5.

Dahil dito ay maaring maipalabas na sa TV5 ang ilan sa mga programa ng ABS-CBN at maaring ang mga talent ng nasabing network ay maging ‘Kapatid’ narin.

Eto ang open letter ni Sonza para sa mga kongresista:

“Your Honors. House of Representatives.  Congress of the Philippines.

“Puwede na palang paikutan ang Kongreso by going into ay simple arrangement/deal of 65%-35% by and between TV5 (Media Quest) at defunct ABS-CBN Broadcasting.

“Puwede ba iyong ganoon lang? Bigay ka lang ng almost P3B sa Singko at bigyan mo lang ng 35% sa kita iyong pinasukan mong network, okay kana? Hindi na kailangan pa ang Congressional franchise at talikuran na iyong lahat ng atraso mo sa gobyerno sa nakaraan?

“Walang kaproblema-problema sa NTC para sa frequency, dahil andiyan na siya? May direct to home TV na, may access pa sa giga play?

“Ganoon lang ba kasimple iyon, ha?

“Hindi ba parang ginagawa kayong g*go na, t*nga pa ng Panginoong Lopez at Pangilinan mga Sir at Madam ng Kongreso?” 

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kongreso kung ano ang magiging aksyon nila sa nangyaring deal sa TV5 at ABS-CBN.

Samantala ay nagsalita na ang National Telecommunications Commission (NTC) at sinabi na gagawa sila ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring deal.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular