HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada sa kinita ng 'Katips': "Hindi naman mahalaga kung malaman...

Atty. Vince Tañada sa kinita ng ‘Katips’: “Hindi naman mahalaga kung malaman ang eksaktong kinita”

Naniniwala si Atty. Vince Tañada na hindi mahalaga na malaman pa ng publiko kung magkano ang kinita ng ‘Katips’ dahil sa hindi naman pera ang kanyang habol kaya’t ipinalabas niya ang kanyang pelikula.

Sa panayam sa kanya sa isang online interview nitong nakaraang Linggo ay sinabi niya na wala siyang balak ilabas sa ngayon kung magkano ang kinita ng Katips na tinatapatan ngayon ang Maid in Malacañang.

Ayon sa kanya ay mas mahalaga ngayon na makikitang buhay na ang pelikulang Pilipino dahil sa usap usapan ang Katips at MiM.

“Hindi naman mahalaga kung malaman ang eksaktong figure ng kung ano ang kinita sapagkat ang mahalaga eh, kung mas maliit man ang aming kinita o kung mas malaki man, nabuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa dalawang pelikulang ipinalabas,” sabi niya.

“Meron po akong hinagap pero ayokong naman pong sa akin manggaling,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na ang kinita ng Katips ay ilalabas base sa desisyon ng Reality Entertainment  napagmamay-ari ng Regal Films.

Matatandaan na ipinagmalaki noon ni Tañada na sold-out ang kanilang pelikula.

“Ang laaakaass! Sobrang lakas namin. Nakakatuwa dahil nung unang araw pa lang namin sold out na kami doon sa mga prime SM Malls..dapat Aug 3 and 4 lang kami magpapalabas yung lang ang binigay ng SM sa amin kaya lang ngayon na-extend tayo hanggang may manonood daw talagang ipapalabas ang ‘Katips’ …talagang organic tong nagpupuntahang mga tao sa mga sinehan.” ani Tañada.

Dahil dito ay hinamon siya ng direktor ng MiM na si Darryl Yap na ilabas ang totoong kinita ng kanyang pelikula.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular