HomeCelebritiesTito Noel a.k.a 'Green Soldier' itinanggi na lumaki na ang ulo niya:...

Tito Noel a.k.a ‘Green Soldier’ itinanggi na lumaki na ang ulo niya: “May karapatan akong magkaroon ng sarile kong TF”

Itinanggi ng sikat na sikat na street mime performer na si Green Soldier o Jhonwel Reyes sa totoong buhay na lumalaki na ang kanyang ulo dahil sa pagtanggi niya sa ilang alok sa kanya na guesting.

Unang sumikat si Reyes sa Baguio kung saan ay ilang vloggers ang naging paborito siyang kuhanan ng video.

Lumobo ng lumobo ang views kung saan makikita si Reyes sa social media kaya naman dumami rin ang mga gusto siyang makita.

Kaya’t ilang netizen ang tila sinasabi na tila tumataas na ang lipad ng performer na itinanggi naman niya.

Sa isang Facebook post, pumalag si Reyes sa isang Facebook post kung saan tinawag siyang ‘mukhang pera’ dahil sa hindi na siya tumatanggap ng mababang talent fee.

Pero ayon kay Reyes ay karapatan niya na magsabi kung magkano ang talent fee na kanyang gusto.

green soldier 2

“Siguro naman May karapatan akong magkaroon ng sarile kong TF Lalo na sa iba’t ibang show may ibinabahagi naman din ako part ko.” ani Reyes.

“Lahat naman po ng bagay na ginagawa ko pinaghihirapan ko, bago ko nakamit lahat po ng ito. Ganito naba talaga sistema ng ibang Pinoy? Pag may nararating ung tao hahanapan ng butas Kailangang Hilahin pababa?” dagdag pa niya.

Inaasahan naman niya na hindi habambuhay ay sikat siya.

“Oo alam kong malalaos din ako agad, Atleast kahit paano alam kong may ibinahagi ako sa kapwa ko na Munting kasiyahan at kabutihang Gawa.” wika pa niya.

“Sakit lang Isipin na Kapwa pinoy Kailangang maging ganito. Wala naman akong ginagwang Masama sainyo.” dagdag pa niya.

Hindi naman maikakaila na kaliwa’t kanan na ang guesting ni Reyes at kahit ang isang malaking mall ay binigyan na siya ng pagkakataon na mag-tour.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular