HomeCelebritiesRumored boyfriend ni Maggie Wilson na si Tim Connor, nagsalita: "This train...

Rumored boyfriend ni Maggie Wilson na si Tim Connor, nagsalita: “This train wreck must stop on both sides now!”

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang rumored boyfriend at business partner ni Maggie Wilson na si Tim Connor.

Ito’y sa gitna ng demanda na kinakaharap niya matapos siyang kasuhan ng asawa ni Wilson na si Victor Consunji ng adultery.

Lalo pang uminit ang usapan matapos ilabas ni Wilson ang diumano’y larawan ng mga babae ng kanyang asawa.

READ MORE: Maggie Wilson, ibinunyag ang diumano’y ibang babae ang asawa niyang si Victor Consunji: “I kept quiet for years”

Dahil sa palalang sitwasyon ay hinimok ni Connor si Wilson at Consunji na umawat na sa kanilang batuhan ng putik.

“MY LEGAL POSITION: I STAND CLEAR WITH THE ADULTERY CASE THAT HAS BEEN FILED AGAINST ME THAT THESE ARE “UTTER RUBBISH ACCUSATIONS OUT OF ANGER THAT HOLD NO WATER”.” ani Connor.

“MY PERSONAL POSITION: THIS ABSOLUTE TRAIN WRECK MUST STOP ON BOTH SIDES NOW. WATCHING TWO PEOPLE (ONE I WAS PREVIOUSLY CLOSE TO) TRYING TO HARM EACH OTHER NEVER GETS ANYWHERE IN THE BIGGER PICTURE.” dagdag pa niya.

“I WON’T BE LETTING THIS HAPPEN ANY FURTHER AND HAVE ENCOURAGED THE PARTIES TO STOP TEMPORARILY TO MAKE WAY FOR WHAT I HOPE CAN BE DIPLOMATIC AND PRAGMATIC DIALOGUE.” sabi pa niya.

tim connor

Matatandaan na maliban sa usapang kabit ay usapan din sa conjugal property ang pinagtatalunan ni Wilson at Consunji.

Ayon kasi kay Wilson ay hinding hindi siya bibitaw sa mga conjugal property nila ng kanyang bilyonaryong asawa.

“I am ready to fight,” sabi ni Wilson sa kanyang post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular