HomeSocial MediaRep. Rodante Marcoleta, pinapaimbestigahan ang sanib pwersa ng TV5 at ABS-CBN: "Mamomonopolize...

Rep. Rodante Marcoleta, pinapaimbestigahan ang sanib pwersa ng TV5 at ABS-CBN: “Mamomonopolize ang industry dito!”

Gustong paimbestigahan ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang napapabalitang sanib pwersa ng TV 5 at ABS-CBN na maituturing na dalawa sa pinakamalaking network sa bansa.

Sa panayam sa kanya, hiniling ni Marcoleta sa Philippine Competition Commission (PCC) na imbestigahan ang posibleng monopolyo na binubuo ng dalawang network.

Tingin din niya na ang ginagawang merger ng TV5 at ABS-CBN ay ‘circumvention’ ng batas at ginagamit lamang ang merger upang makapag-ere ang ABS ng walang prangkisa.

Dismayado rin ito sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil tila hindi man lang gumagawa ng aksyon ang ahensya sa mga paglabag na ginawa diumano ng ABS-CBN.

“Dapat ang NTC tinignan kung ano ang basehan ng mga nakalkal namin na violation, hindi ‘yung parang walang nangyari, parang napagtakpan lahat,” wika ni Marcoleta.

Nakikita rin ni Marcoleta na mayroong mga paglabag sa isinusulong na merger ng dalawang malaking kumpanya.

“TV 5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission? Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?” sabi ni Marcoleta.

Matatandaan na pinaalalahanan na ng PCC ang dalawang network na siguraduhin na hindi magiging monopolyo ang kanilang merger.

“PCC trusts that firms undertaking sizeable mergers or acquisitions conduct due diligence to ensure compliance with our antitrust law and engage in consultation with the Commission, where necessary,” sabi ng PCC sa kanilang pahayag.

Nilinaw naman ni Manny V. Pangilinan na boss ng TV5 na hindi nila bibilhin ang ABS-CBN.

“We are not acquiring ABS-CBN. We are not acquiring any shares in ABS, instead they will be investing in TV5.” ani Pangilinan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular