HomeCelebritiesKolumnista, may payo sa gitna ng diumano'y pagbabalik sa bisyo ni Super...

Kolumnista, may payo sa gitna ng diumano’y pagbabalik sa bisyo ni Super Tekla: “Talikuran mo na ‘yan”

Kumakalat sa social media ang mga balita na bumalik na muli sa kanyang bisyo ang komedyante na si Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla.

Nitong Abril ay unang kumalat ang balita na bumalik na muli sa kanyang mga dating bisyo si Tekla dahil sa napansin ng mga netizens ang tila pagbagsak bigla ng katawan nito.

Matatandaan din na nagkaroon ng isyu ang sikat na sikat nila noong tambalan ni Donita Nose na ‘Donekla’ na naging dahilan kung bakit nabuwag ang kanilang tandem.

Ang nasabing tandem ang tila naging ikalawang pagkakataon ni Tekla na makabangon sa kanyang career, ngunit ngayon ay tila nasayang muli ito dahil sa mga desisyon ng komedyante.

Isa ang diumano’y pagbabalik sa bisyo ni Tekla sa mga pinag-usapan ng kolumnista na si Cristy Fermin sa kanyang programa.

tekla unica ija

Punong puno ng panghihinayang ang mga kasama ni Fermin dahil sa nabiyayaan ng napakagandang career si Tekla ngunit tila lagi niya itong sinasayang.

“Ako sa totoo lang, nalulungkot ako para kay Tekla,” sabi ng co-host ng kolumnista na si Morly.

“Imagine, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng kung anoman ang meron siya ngayon. Dati nagda-droga siya, sabihin na nating droga, idagdag pa natin ‘yung alak. Tapos ate Cristy nagca-casinö pa siya ng bonggang-bongga inuubos pa niya ang pera. Ang tanong ko nga ate Cristy, wala ba siyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya?” dagdag pa niya.

“Palagay ko nadadaig siya ng kapritso niyang pansarili. Kasi kung meron, hindi niya gagawin yan,” tugon naman ni Cristy.

Nagbigay naman ng payo ang kolumnista kay Tekla na huwag ng ituloy pa ang kanyang bisyo dahil sa baka bumagsak muli ang kanyang buhay.

“Naku Tekla! Basta ito lamang ang maipapayo namin sa’yo kung totoo man ‘yung mga kwento na bumalik ka na naman sa dati. Talikuran mo na ‘yan. Kung alam mo lang kung gaano karami, milyon-milyong Pilipinong kababayan natin ang gustong pumalit sa posisyon na hawak mo ngayon,” sabi ni Fermin.

Nitong Marso ay nagbigay narin ng payo si Fermin kay Tekla.

“Alam naman natin na meron siyang pinagdaanan, na ‘yung bisyo na ‘yun ay dapat niyang bitawan. Sana ay tuloy-tuloy na. Kasi kadalasan, ‘yung pagiging tamad, walang disiplina at pagiging unprofessional, nanggagaling sa bisyo yan,” paliwanag ni Cristy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular