HomeCelebritiesIsa sa mga tanyag na atleta na si Lydia de Vega, pumanaw...

Isa sa mga tanyag na atleta na si Lydia de Vega, pumanaw na sa edad na 57

Pumanaw na sa edad na 57 ang isa sa mga pinakasikat na atleta sa bansa na si Lydia de Vega matapos ang kanyang pakikipaglaban sa breast cancer.

Kinumpirma ng anak ng retiradong atleta ang nasabing balita.

On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia De Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center,” sabi ni Stephanie Mercado de Koenigswarter na anak ni De Vega.

lydia de vega

She fought the very good fight and is now at peace.” dagdag niya pa.

Matatandaan na noong 2018 ay na diagnose ng stage four breast cancer ang tinagurian noong 1980s na Asia’s fastest woman.

Nitong 2022 ay inanunsyo nila na nasa kritikal ng kondisyon si de Vega.

Inulan naman ng tulong mula sa iba’t ibang personalidad si de Vega kasama na dito ang pagbibigay ni pole vault star EJ Obiena ng kanyang P500,000 na insentibo para sa pagpapagamot ni De Vega.

lydia 2

Isa siyang four-time Asian champion, two-time Asian Games gold medalist at nine-time Southeast Asian games gold medalist.

Matatandaan na isa siya sa mga nanguna sa opening ng SEA Games noong ginanap ito sa Pilipinas noong 2019.

Laman din ng bawat libro si de Vega dahil sa kanyang kontribusyon sa Philippine Sports.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular