HomeCelebritiesHindi nadala! Super Tekla, nakipagbalikan na daw kay Michelle Banaag at nabuntis...

Hindi nadala! Super Tekla, nakipagbalikan na daw kay Michelle Banaag at nabuntis ulit

Pagkatapos magkasiraan at halos magdemandahan na sa programa ni Raffy Tulfo ay napabalitang nagkabalikan na muli ang komedyante na si Super Tekla at Michelle Banaag.

Matatandaan na noong 2020 ay isa sa mga pinag-usapan ng mga netizens ang away sa pagitan ni Tekla at Michelle.

Inakusahan ni Michelle si Tekla ng hindi magagandang bagay na naging dahilan upang ulanin ng batikos ang komedyante sa social media.

Ganito pala tratuhin ni Tekla si Michelle mapasaya lang

Ngunit agad naman lumipat ang simpatya ng mga netizens kay Tekla dahil sa mayroon din silang napansin na masasamang bagay kay Michelle.

Binatikos ng mga netizens si Michelle dahil pati ang mga kamag-anak niya ay tumitira pa sa bahay ni Tekla na mapapansin na hindi man lang noon nililinis.

READ MORE: Raffy Tulfo binawi ang tulong sa kinakasama ni Super Tekla dahil ayaw patunayan na hindi siya “adik”                        

Matapos ang dalawang taon ay napabalita na nagkabalikan na muli si Tekla at Michelle.

Ito’y kasabay ng mga balita na bumalik na muli si Tekla sa kanyang paglalaro ng sugal matapos ang kanyang masigla sanang career bilang vlogger.

michelle banaag super tekla

“Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle sa pangalawa (anak). Ang kuwento kasi marami ang natabangan kay Tekla. Bumalik na naman daw sa kanyang bisyo.” bungad ni Cristy Fermin.

“Dalawang bisyo ‘yun, isang bisyo na itatapon natin dahil wala namang nagagawang maganda kahit sinong gumagamit.” dagdag pa niya.

Ayon sa isa sa mga co-host ni Fermin ay nakita niya mismo si Tekla na bumalik nanaman sa paglalaro sa casino.

Hindi pa kinukumpirma ni Tekla ang nasabing balita kung nagkabalikan na nga ba sila ng babae na halos sirain na noon ang kanyang pangalan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular