HomeCelebritiesFitness instructor, hinamon ang magkapatid na Jimuel at Michael Pacquiao sa 2vs1...

Fitness instructor, hinamon ang magkapatid na Jimuel at Michael Pacquiao sa 2vs1 boxing

Hinamon ng isang vlogger at fitness instructor sa isang 2vs1 boxing match ang magkapatid na Jimuel at Michael Pacquiao.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Jormiel Labador alyas ‘Haring Bangis’ na gusto niyang makalaban ang magkapatid na Pacquiao ng sabay.

Ipinakita din nito ang kanyang boxing skills na maaring gamitin niya sa magkapatid na Pacquiao kung papayag sila sa hamon niya.

Nagreklamo din ito dahil hindi siya pinapansin ni Jimuel sa kanyang mga hamon.

“Hindi nagpaparamdam, ewan ko kung takot ba talaga siya,” sabi ng vlogger.

Ngunit matatandaan na tinawanan si Labador ng kapatid ni Jimuel na si Michael kaya’t isinama na siya nito sa kanyang hamon.

“Baka natatakot si Jimuel, pwede naman silang sabay,” sabi pa niya.

Wala pang sagot si Jimuel at Michael sa hamong ito ng vlogger.

Ilang netizen naman ang pabiro na sinabi na bakit hindi ang ama ni Jimuel at Michael na si Manny Pacquiao ang hamunin ni Labador.

Mayroon din nagsabi na imposible ang hamon ni Labador.

“Idol talaga kita tol sa larangan ng motivate sa pagpapaganda ng katawan madalas kita pinapanood sa mga turo mo sa blog mo noon mas ok na ganun kanalang tol kesa maghamon kanang mga taong imposible mong talunin tol,” sabi ni netizen Chris Chiu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular