HomeSocial MediaFirst Lady Liza Marcos, ipinagtanggol sa mga estudyante ng West Visayas State...

First Lady Liza Marcos, ipinagtanggol sa mga estudyante ng West Visayas State University na ayaw siyang magturo doon

Ipinagtanggol ng isang governmnt prosecutor si First Lady Liza Araneta-Marcos mula sa pambabatikos na natanggap nito mula sa West Visayas State University (WVSU) Student Council.

Matatandaan na kinumpirma ng WVSU na magtuturo si Marcos sa kanilang unibersidad na pinalagan naman ng student council dahil sa diumano’y magpapakalat lamang ng maling impormasyon ang unang ginang doon.

Pero ayon kay Iloilo Assistant Provincial Prosecutor Flosemer Chris Gonzales ay iresponsable ang sinabing ito ng WVSU student council.

“The statement allegedly issued by the WVSU Student Council is irresponsible, malicious, and maligns the reputation of the First Lady,” sabi ni Gonzales.

wvsu 2

“These statements are definitely malicious, irresponsible, and are simply parroting the anti-Marcos propaganda lines being peddled by anti-government groups and by the political opponents of President Ferdinand Marcos Jr.,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Gonzales na may kakayahan si Araneta-Marcos na magturo lalo na’t isa itong abogada at malapit din sa kanya ang Iloilo dahil sa ang kanyang ama na si Manuel Araneta Jr. ay isang Ilonggo.

Pinaalala din ni Gonzales sa mga law students ng WVSU na huwag nilang hayaan ang sarili nila na gamitin ng mga grupo na gusto lamang sirain ang gobyerno.

“This kind of behavior does not speak well of you. Do not allow yourselves to be used by any third-party group to further their propaganda efforts against the government. You are in law school to become lawyers later on,” paalala pa ng prosecutor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular