HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada nakipagsagutan na sa kanyang kritiko: " Kung flop dapat...

Atty. Vince Tañada nakipagsagutan na sa kanyang kritiko: ” Kung flop dapat wala na kami sa sinehan!”

Hindi na nakapagpigil pa si Atty. Vince Tañada at pumalag na ito sa isang netizen na binatikos siya sa kanyang mismong Facebook page.

Sa isa sa mga post niya ay nagkomento ang netizen na si Edward Juan Sy kung saan pinuna nito ang diumano’y pangunguna ng kayabangan ni Tañada na naging dahilan kung bakit itinapat niya ang kanyang pelikulang ‘Katips’ sa Maid in Malacañang.

“Dapat kasi di inuunahan ng yabang, ang kapal kasing itapat ang pelikula mo sa MiM, dapat gumawa nalang si Direk Joel Lamangan ng pangtapat.. Yan tuloy nilangaw ka, mas madami pang kakampink ang nagustuhan ang MiM kesa sa pelikula mo,” banat ng netizen.

Sinagot naman ito ni Tañada at sinabi na hindi sila nilangaw dahil nasa sinehan parin ang pelikula niya ngayon.

“Di po kami nilangaw. Kung flop dapat wala na kami sa sinehan. But now on our second week. Ang saya saya.” tugon ng direktor at producer.

Matatandaan na hindi man biglaan ay unti unti ng nababawasan ang mga sinehan na nagpapalabas ng Katips.

vince tanada 2

Ngunit hindi parin tumigil ang netizen at binatikos muli si Tañada at tinawag itong sinungaling dahil sa biro nito na umabot sa 41.8-M pesos ang kinita ng Katips sa unang araw nila.

“Galit sa magnanakaw pero sinungaling sa income ng pelikula,” sabi pa ni Sy.

“Ha? Di na nga ako nagsasalita. OA mo naman hahahaa,” sabi naman ni Tañada.

 

vince tanada 1

 

Hanggang ngayon ay hinihintay pa ng mga netizens kung magkano ang totoong kinita ng Katips.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular