HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada, inamin na 'joke lang' ang 41.8-M na kinita ng...

Atty. Vince Tañada, inamin na ‘joke lang’ ang 41.8-M na kinita ng Katips: “It was just a joke”

Nilinaw ni Atty. Vince Tañada na nagbibiro lamang siya ng sabihin niya sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na 41.8-M pesos ang kinita ng ‘Katips’ sa unang araw nito.

Matatandaan na nong Agosto 4 ay sinabi ni Tañada kay Diaz na mas malaki pa ang kinita nila sa Maid in Malacañang.

screencap 2022 08 09 at 6.55.40 AM

Ngunit sa isang pahayag, sinabi ni Tañada na biro lamang ito at hindi niya inaasahan na pati ang media ay paniniwalaan siya.

“Nagjoke lang ako…hindi ko alam na i-pi-pick-up yun ng Press tapos ishinare na ng marami at sinabi na sinungaling ako, kung ano-ano. Pero it was just a joke.” sabi ng director at producer.

Dahil sa kanyang biro ay hinamon siya ng kanyang kapwa direktor na si Darryl Yap na ilabas ang totoong kinita ng Katips kung totoo nga na ang misyon niya ay magpakalat ng tamang impormasyon.

Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi ibinabahagi ni Tañada ang kinita ng kanyang pelikula na pinu-pull out na sa ilang sinehan.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa sinabi ni Tañada.

“Diba po lantaran mong sinabi na tatapatan mo ang MiM at sinabi mo din na sobrang lakas ng katips? Madami kasing nag tag sa BIR kaya biglang bawi ka. Wala naman talagang sanang paki ang tao kung magkano kita ng katips, naco-curious lang sila due to your arrogance.” sabi ng isang netizen.

“Never make a joke of bloating or overstating the gross income of your movie in public even if it is not true just to outsmart a rival movie because you are under the scrutiny of the BIR. Even in huge concerts, in some instances BIR men are there to check. Because these are all about reporting the right income for taxation.” komento pa ng isa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular