HomeCelebritiesParang noong Mayor lang siya! Citizen Duterte naglilibot na muli sa Davao...

Parang noong Mayor lang siya! Citizen Duterte naglilibot na muli sa Davao City tuwing gabi

Ibinahagi ni Senador Christopher “Bong” Go ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Go ang ilang larawan ni Duterte habang naglilibot ito sa Davao City gamit ang kanyang motorsiklo.

duterte davao 2
Larawan mula kay Senador Christopher “Bong” Go

Matatandaan na balita na noon pa na naglilibot tuwing gabi si Duterte sa kanyang siyudad noong siya ay alkalde pa upang makita kung gaano kaligtas ang Davao City.

Hindi rin naman nakalimutan ng dating pangulo na kumain ng kanyang paboritong prutas na durian.

duterte davao 1
Larawan mula kay Senador Christopher “Bong” Go

“Na-miss ni Tatay Digong ang mamasyal gamit ang kanyang motor tulad ng ginagawa niya noon bilang alkalde. Ngayon na pribadong mamamayan na siya, hindi niya matiis na hindi mag-ikot at pumasyal kahit na madaling araw na. Nakihalubilo rin siya sa mga sundalo, pulis at security guards na kanyang nadaanan at niyaya silang kumain ng durian. Ride safe Mayor Rody!” sabi ni Go.

duterte davao 3

Umabot sa libo libong reaksyon sa social media ang mga nasabing larawan ng dating pangulo.

“Wish he is still the President !!! A President who stood by his words and fought for the good of his constituents.. Afraid to no one as he is always at the right path… Foreign leaders respected him not because he is the President but because of how he enforced and fight for things he believes right and just !!” sabi ni netizen Gilbert Corpuz.

“Yan ang maganda peaceful tahimik na bayan at tahimik din maghanap buhay walang gulo at walang takot. i salute you mahal namin presidente ingat po God bless.” komento pa ng isang netizen.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular