HomeCelebrities'Katips' pinu-pull out na sa ilang sinehan habang ang Maid in Malacañang...

‘Katips’ pinu-pull out na sa ilang sinehan habang ang Maid in Malacañang lalo pang nadagdagan ang showing

Tila nasa alanganing sitwasyon ngayon ang likha ni Atty. Vince Tañada na ‘Katips’ dahil sa unti unti ng inaalis ang nasabing pelikula sa mga sinehan sa buong bansa.

Sa Facebook post ng direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap ay ibinahagi nito na mula sa 90 na sinehan ay nasa 69 na lamang ang nagpapalabas ng Katips.

Samantala ay lalo naman dumami ang sinehan na nagpapalabas ng Maid in Malacañang na sa ngayon ay kumita na ng mahigit P164,000,000.

“Hindi natin kailangang maging henyo para maintindihan ang negosyo. Hindi mababawasan ang sinehan ng pelikulang malakas at tinatangkilik. Huwag po nating tangahin ang madla. Respetuhin natin ang hatol ng bayan. Hindi ito rally na hindi nabibilang may tickets ito, may accounting, may BIR. Pag FLOP, FLOP lang, wag na sana Liars.” sabi ni Yap.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Tañada sa mga banat sa kanya ni Yap.

Hinamon narin ni Yap si Tañada na ilabas kung magkano ang kinita ng Katips sa buong bansa upang hindi na malito pa ang mga tao.

“Explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date.” sabi ni Yap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular