HomeCelebritiesJoel Lamangan, posibleng ilabas na ang pelikulang itatapat sa Maid in Malacañang...

Joel Lamangan, posibleng ilabas na ang pelikulang itatapat sa Maid in Malacañang sa Septyembre

Nagbigay ng karagdagang detalye ang award-winning director na si Joel Lamangan sa kanyang pelikula na ipangtatapat niya diumano sa ‘panlilinlang’ ng pelikulang Maid in Malacañang.

Sa panayam sa kanya ni Christian Esguerra, sinabi ni Lamangan na ang nasabing pelikula ay maaring iparehas sa huling 72 oras ng mga Marcos sa kapangyarihan ngunit iikot naman ang istorya nito sa isang ordinaryong pamilya.

“Parang the last 72 hours din pero sa punto de vista ng isang ordinaryong pamilya bago umalis ang mga Marcos,” ani Lamangan.

Inamin naman ni Lamangan na hindi niya pa napapanood ang Maid in Malacañang dahil busy siya sa kanyang mga proyekto.

Ayon sa kanya ay importante na maituwid niya ang mga maling impormasyon na ipinapakalat ng nasabing pelikula upang malaman ng mga kabataan kung ano ang kahirapan na nangyari noong panahon ng martial law.

“Kapag puro kasinungalingan ng kasinungalingan ang sabihin ay baka maniwala na sila na ito ang totoo. Kawawa naman ng bayan natin, nabubuhay tayo sa kasinungalingan,” sabi ni Lamangan.

Susubukan naman daw niya sa Septyembre ngayong taon ang ipalabas ang kanyang pelikula upang maitapat ito sa 50th anniversary ng deklarasyon ng martial law.

Mayroon narin siyang mga nakausap na aktor at aktres na sasama sa kanilang pelikula ngunit hindi niya pa masasabi ang pangalan nila.

Maituturing daw na ‘well-established’ o mga sikat ang mga artista na sasama sa pelikula ni Lamangan.

Wala pang tugon si Yap sa mga patama sa kanya ni Lamangan na itinuturing niya noon na idolo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular