HomeCelebritiesJobelle Salvador, tinawag na mukhang 'namamalimos na babae sa C5' si Agot...

Jobelle Salvador, tinawag na mukhang ‘namamalimos na babae sa C5’ si Agot Isidro

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres na si Jobelle Salvador matapos nitong magbigay ng komento sa isang larawan ni Agot Isidro.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na mukhang ‘namamalimos’ ni Jobelle si Agot na matatandaang binatikos ang isang pelikula dahil sa isa itong kathang-isip lamang.

“Wag niyo na kasi pansinin. The mere mention of this fictitious movie is still free publicty. Dedma is the key,” ani Agot.

Pinaniniwalaan naman ng mga netizen na ang pinapatamaang pelikula ni Agot ay ang sikat na sikat ngayon sa takilya na Maid in Malacañang.

Samantala ay kilala naman si Jobelle na tiyahin ng aktres na si Janelle Salvador sa pagsuporta sa nasabing pelikula ni Darryl Yap.

Dahil dito ay hindi napigilan kwestiyunin ni Jobelle ang itsura ni Agot.

“Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nung namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga… no offense but is this really her?” sabi ni Jobelle.

 

jobelle agot 2

Inulan naman ng batikos sa social media si Jobelle mula sa mga fans ni Agot.

Pero hindi naman nagpatalo ang aktres na ngayon ay nasa abroad na sa mga bumabatikos sa kanya.

“Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!! Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara niyo ako sa iniidolo niyo…” ani Jobelle.

“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! E di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.” dagdag niya pa.

Mapapansin naman na magkabaliktad ng paniniwala si Jobelle at Agot pagdating sa politika.

Wala pang sagot si Agot sa banat sa kanya ni Jobelle.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular