HomeCelebritiesJanno Gibbs humiling kay Darryl Yap na gawing pelikula ang buhay niya:...

Janno Gibbs humiling kay Darryl Yap na gawing pelikula ang buhay niya: “Wag mo isama yung mga chicks!”

May hiling ang singer at aktor na si Janno Gibbs sa sikat na sikat ngayong direktor na si Darryl Yap.

Sa kanyang Instagram post, nag-request si Janno na gawan din siya ng pelikula ni Darryl na iikot sa istorya ng kanyang buhay.

Ngunit gusto daw ni Janno ay tanggalin ng direktor sa istorya ang mga bagay na hindi masasabing maganda tungkol sa kanya.

“Direk Darryl, Gawan mo naman ng movie ang buhay ko. Request: Gawin mo kong matangkad, matangos at hindi nale-late sa work. Wag mo narin isama yung mga chicks na na-link sakin.” sabi ni Janno.

screencap 2022 08 10 at 7.22.44 AM

Nilinaw naman ng aktor na nagbibiro lamang siya.

May mga netizens naman na sinubukan intindihin kung ano ang ibig sabihin ng post ni Janno.

“Historical revisionism ‘yan Sir Janno ha hehehe joke!” sabi ng isa sa mga followers ng singer.

May ilan naman na binatikos ang aktor sa kanyang mensahe.

“Excuse me??? Ikaw JANNO GIBBS ipo-produce ng pelikula ni direk Darryl? WHO THE HELL ARE YOU??? Kakagawa mo lang nung HOME BIDYO file mo habang BUMABATI ng isang matigas na HELLO FILIPINS-HELLO WORLD na agad-agad nagTRENDING sa social media!!!!” sabi ng Leni’s Angat Buhay Spaghetti page.

Matatandaan na inaakusahan ngayon ang pelikula ni Yap na Maid in Malacañang na diumano’y pinapabango ang pangalan ng kontrobersyal na pamilyang Marcos.

Hindi pa pinapansin ng direktor ang mensahe sa kanya ni Janno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular