HomeCelebritiesGMA headwriter Suzette Doctolero todo ang papuri sa Maid in Malacañang: "Walang...

GMA headwriter Suzette Doctolero todo ang papuri sa Maid in Malacañang: “Walang historical distortion, wala ring paninira sa mga madre. “

Todo papuri ang kilalang manunulat na si Suzette Doctolero matapos niyang mapanood ang Maid in Malacañang.

Sa kanyang Facebook post nitong Agosto 5, inisa-isa ni Doctolero ang mga kapuri-puring bagay tungkol sa pelikulang likha ni direktor Darryl Yap.

Ayon sa kanya ay malinaw kung ano ang ipinaparating ng pelikula sa mga manonood nito.

“Malinaw sa filmmaker kung sino ang audience niya at kung paano magkukuwento kung kaya’t nasakyan ng audience ang pain ng isang pamilyang dati ay matayog at hari, at bumagsak. Pinaiyak, pinatawa, kinurot ang puso ng audience. Wala kasing pretension ang pelikula. Malinaw na ito ay kwento sa Point of View ng mga Marcos o pro Marcos.” ani Doctolero.

“Bilang manunulat, nakita ko ang yaman ng konsepto’t kwento. Although Hindi ito ang unang movie na tumalakay ng ganitong paksa, (nandiyan ang Evita Peron, ang Tsar (kwento ng mga Romanovs ng Russia) at ibp, pero matapang pa rin ang filmmaker na ginawa niya ito, kahit na alam niyang may mga pupuna. Deserve nito ang sucess sa takilya na tinamasa.” dagdag pa niya.

Ibinahagi din nito ang isa sa mga eksena sa MiM na maituturing niyang kontrobersyal.

“Kontrobersyal at subject sa Interpretsyon ang huling eksena, na ipinakita si Cory, lalo na ang binitiwan nyang salita sa dulo (bilang analogy sa pulitika, kapangyarihan, gamit ang sugal na madjong), pero ito ay totoo. At ang gandang statement sa pulitika ng bansa (maski sino pa ang lider).” aniya.

“May mga scenes lang na ikinuwento kaysa ipinakita pero naiintindihan kong mahal ang eksena (halimbawa, pagpapasabog sa isang parte sa Malacanang o pagpapakita ng pagsugod ng mga rebel forces para mas ramdam ko ang takot ng pamilya at mga maids) pero sa pangkalahatan ay okey naman ang pelikula. Walang historical distortion, wala ring paninira sa mga madre. Panoorin para makita.” dagdag pa niya.

 

Pinanood din ni Doctolero ang Katips ngunit hindi niya ito nagustuhan dahil sa magulong istorya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular