HomeCelebritiesCristy Fermin sinabing 'napakaputla' sa takilya ng Katips kung ikukumpara sa Maid...

Cristy Fermin sinabing ‘napakaputla’ sa takilya ng Katips kung ikukumpara sa Maid in Malacañang

Naniniwala si Cristy Fermin na hindi matatalo sa takilya ng pelikulang Katips and Maid in Malacañang.

Sa programa niyang Cristy Ferminute, sinabi ng batikang kolumnista na kailangang maging totoo ng mga nasa likod ng Katips at tanggapin na hindi sila papatok sa takilya na katulad ng sa MiM.

Alam diumano ni Tañada na mag-aabono sila sa mga sinehan kapag nilangaw ang kanilang pelikula.

Binaklas na rin diumano sa ilang sinehan ang pelikula na sana’y itatapat diumano sa mga impormasyon na ipapakalat ng MiM.

“Literal pong pinakain ng alikabok ng “Maid in Malacañang” ang “Katips.” Alam ng producer na ‘to na si Atty. Vince Tañada na kapag hindi nila naabot ang kita ng sinehan may babayaran silang minimum guarantee. Meron o walang tao magbabayad sila ng sinehan,” sabi ni Fermin.

“Kumpirmado na po dahil may mga may-ari na ng mga mall ang nagsabi na talagang hindi na po sila binook sa mga branches sa iba’t ibang probinsya. Wag na po tayong mag-padding at baka maalarma ang BIR (Bureau of Internal Revenue).” dagdag pa niya.

Pinuna din ni Fermin ang pagsabay ni Tañada sa showing ng MiM na tinawag niyang ‘parang bumangga sa pader’.

“Sinong mabubukulan? Edi ang ulo ng producer,” sabi ni Fermin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular