HomeCelebrities'BBM commemorative plate' ibinebenta diumano sa halagang P15,000

‘BBM commemorative plate’ ibinebenta diumano sa halagang P15,000

Usap usapan ngayon sa social media ang ibinebentang commemorative plate na nagkakahalaga diumano ng P15,000 kada isa.

Unang ibinahagi ng Facebook page na VISOR ang nasabing balita kung saan ang isa sa mga followers nila ay ibinahagi ang larawan ng plaka na nakalagay ang larawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nakalagay din sa plaka ang pangalan ng grupo na “Bangon Bansang Maharlika Pilipinas Bansang Pinagpala Movement”.

Ang nasabing grupo ay mayroong mga office sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mayroon din itong form na kailangan pirmahan ng susubok na bumili ng nasabing commemorative plate.

Nakumpirma naman sa ilang Facebook post na may mga netizen na nagtitinda ng commemorative plate.

screencap 2022 08 09 at 8.49.09 PM

Ayon sa isa sa mga seller ay maaring magamit ang nasabing commemorative plate hanggang September 30, 2023.

“This BBM-17th President of the Philippines commemorative car plate is approved and authorized by LTO and DOTr pursuant to Memorandum Order No. 405 S.1996 and its implementing rules and regulations. Valid until 30 September 2023.” sabi sa papel na kasama sa commemorative plate.

joven cueto 1

Nagpakita pa ang seller ng isang dokyumento na diumano’y galing mismo sa Land Transportation Office (LTO) kung saan nakalagay na binigyan ng permiso ang paggamit ng nasabing commemorative plate.

May pirma pa ito diumano ni dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Ayon naman sa MMDA ay maari naman talagang gumamit ng commemorative plate kung aprubado ito ng DOTr secretary ngunit hanggang isang taon lamang itong gamitin.

Dapat ang commemorative plate din ay gagamitin lamang kung mayroong makasaysayang pangyayari sa bansa.

Hindi rin ito maaring gamitin bilang pamalit sa orihinal na plaka ng sasakyan sa likod at dapat ay ilagay lamang ito sa upper right hand corner sa harap ng windshield.

joven cueto 2

Sinusubukan pa naming hingin ang panig ni dating Sec. Tugade tungkol sa nasabing isyu.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular