HomeCelebritiesAtty. Leni Robredo nanawagan sa mga 'Kakampink' na panoorin ang Katips: "Mahalaga...

Atty. Leni Robredo nanawagan sa mga ‘Kakampink’ na panoorin ang Katips: “Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula”

Nanawagan si dating Vice President Leni Robredo sa mga netizens na suportahan ang pelikulang ‘Katips’ na ngayon ay tinatapatan ang Maid in Malacañang sa mga sinehan.

Sa isang video na ibinahagi ng Philippine Stagers Foundation ay makikita si Robredo habang nagpapakita ito ng suporta sa Katips na tungkol sa buhay ng mga aktibista noong martial law period.

Ayon kay Robredo ay mahalaga ang mag pelikulang katulad ng Katips lalo na sa panahon na diumano’y sinusubukan ng ilan na baguhin ang kasaysayan ng bansa.

“Hello sa lahat ng bumubuo ng Katips, congratulations sa inyo for this wonderful piece.” ani Robredo. “Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula lalo na sa panahon na pilit binabago ang kasaysayan at marami sa ating mga kababayan ang napapaniwala sa kasinungalingan,”

“Art is integral to the way you shape the world, patuloy lang sa paglikha, maraming salamat sa inyong lahat,” dagdag niya pa.

Hindi naman malaman kung makakatulong ba ito sa popularidad ng pelikula na hindi diumano patok sa takilya ayon sa ilang netizens.

Samantala ay kumita na ng mahigit P164,000,000 ang Maid in Malacañang sa mga sinehan habang ang Katips ay hindi pa inilalabas ang kanilang totoong kinita.

Hinimok na ng mga netizens si Tañada na ipakita kung magkano na ang kinita ng Katips para hindi na kumalat pa ang maling impormasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular