HomeCelebritiesArnell Ignacio, itinalaga ni PBBM bilang susunod na OWWA administrator

Arnell Ignacio, itinalaga ni PBBM bilang susunod na OWWA administrator

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Arnell Ignacio bilang susunod na pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa dokyumento na mula sa Malacañang ay kumpirmado ang balita na si Ignacio ang mamumuno ngayon sa OWWA.

Bago siya mamuno sa OWWA ay naging Assistant Vice President for Community Relation and Services Department si Ignacio ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Matapos nito ay lumipat siya sa OWWA para magsilbi bilang deputy executive director.

Nag-resign naman ito sa OWWA noong 2019 dahil sa mga personal na dahilan.

admin owwa

Kahit mismong si Ignacio ay hindi makapaniwala na itatalaga siya ni PBBM sa isang mataas na posisyon.

“Reading the news… buffering ako halos hindi ako makapaniwala. Maraming salamat sa tiwala mr PBBM at aa aking mga kasama sa OWWA amd all the stakeholders.” sabi ni Ignacio.

Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagkakatalaga kay Ignacio.

Ayon kasi sa kanila ay alam ni Ignacio kung paano aaksyunan ang mga pangangailangan ng mga OFW dahil sa isa rin siya noon sa mga nagtrabaho sa ibang bansa.

Tinawag rin ni Ignacio noon ang trabaho niya na “thankless job”.

“Ang gusto ko lang kasi, maging maayos sila, ang kanilang sitwasyon. Sa dami ng mga natulungan ko, merong hindi ko na naalaala kapag binabati ako at niyayakap. Sinasabunutan ko pa nga hahaha!” ani Ignacio sa panayam sa kanya noong 2020.

“Ang summary, masaya ako kapag yung ginawa ko e nakatulong para magkaroon ng malaking improvement ang mga buhay nila.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular