HomeCelebritiesWalden Bello, hinuli ng mga otoridad dahil sa cyberlibel na isinampa sa...

Walden Bello, hinuli ng mga otoridad dahil sa cyberlibel na isinampa sa kanya

Arestado ng mga otoridad ang natalong vice presidential candidate na si Walden Bello dahil sa kasong libel at cyberlibel na isinampa sa kanya ni dating information officer ng Davao City na si Jefry Tupas.

Nitong Agosto 8 ay binista ng mga miyembro ng Quezon City Police District si Bello upang ihain ang warrant laban sa kanya.

Pagbibigyan namang makapag-piyansa si Bello sa halagang P48,000 kada kaso.

Matatandaan na noong Marso ay patong patong na akusasyon ang inilabas ni Bello laban kay Tupas at sa dati niyang boss na si Vice President Sara Duterte.

Ayon kasi kay Bello ay sangkot si Tupas sa pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot na kayang itinanggi.

“Sara with a drug dealer? If Davao City is so ‘multi-awarded,’ why is it that… Mayor Duterte’s Press Information Officer Jefry Tupas was nabbed at a beach party where he and her friends were snorting P1.5 million worth of drugs on November 6, 2021? That she did not know she was sheltering a drug dealer is not credible,” ani Bello sa kanyang post.

image

Hindi naman ito pinalampas ni Tupas ay nagsampa ito ng kaso laban sa aktibista.

“Jefry Tupas called me up. He was emotionally distraught and emotionally bothered because he is receiving attacks. However, quite recently, there’s another attack and this time, coming from a vice presidential candidate Walden Bello. It was really below the belt. Nakakagalit, nakakalungkot yong ginawa ni Bello,” ayon sa abogado ni Tupas na si Atty. Caesar Europa.

“Ang masakit nito, na-invite lang siya sa party, drug dealer kana? Drug addict ka na? t was really unfair and illegal for him to be portrayed as a drug addict and called a drug dealer,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular