HomeCelebritiesPagkakahuli ka Walden Bello, isinisi kay Vice President Sara Duterte: "She uses...

Pagkakahuli ka Walden Bello, isinisi kay Vice President Sara Duterte: “She uses a former aide as a cover!”

Isinisi ng grupong Laban sa Masa kay Vice President Sara Duterte ang nangyaring paghuli sa kanilang chairman na si Walden Bello.

Nitong Agosto 8 ay hinuli ng mga miyembro ng PNP si Bello sa Quezon City dahil sa dalawang kasong isinampa ni dating Davao City information officer at aide ni Duterte na si Jefry Tupas.

Inakusahan kasi ni Bello si Tupas na nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot na itinanggi naman ni Tupas.

walden bello 2

Ayon sa grupo ay ginamit lamang ni Duterte si Tupas upang makaganti sa mga banat sa kanya ni Bello noong campaign period.

Matatandaan na ilang beses hinamon ni Bello si Duterte na dumalo sa mga debate ngunit hindi ito pinansin ng bise.

READ MORE: Dating Davao City information officer Jefry Tupas, nagsampa ng cyberlibel laban kay Walden Bello

“The cyberlibel case against Dr. Bello is clearly a proxy harassment with no less than Vice Pres. Sara Duterte as the real protagonist. She uses a former aide as a
cover for her own vindictive behavior.” sabi ng grupo.

“Just as Ms. Duterte and her running mate and now President Ferdinand Marcos, Jr. had repeatedly cowardly refused to participate in debates with other candidates, so she is now running true to form by putting up a dummy to file the charge against Dr. Bello.” dagdag pa nila.

Samantala ay hiniling naman ng running mate noon ni Bello na si Leody De Guzman na palayain na si Bello.

“Hindi kailanman magiging makatuwiran ang kasong cyberlibel laban kay Walden Bello dahil malinaw na ang motibasyon sa likuran nito ay pampulitikang panunupil. Panunupil laban sa mga kritiko, pati na rin sa lahat ng kritikal sa kanilang administrasyon. Anumang pakana ng administrasyon ay mabibigo.” sabi ni De Guzman.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung makakalaya ba ngayong gabi si Bello.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular