HomeCelebritiesKorina Sanchez, hindi natuwa sa 'overpricing' sa Virgin Island: "We need to...

Korina Sanchez, hindi natuwa sa ‘overpricing’ sa Virgin Island: “We need to stop treating foreign tourists as money bags!”

Hinimok ni Korina Sanchez-Roxas ang mga negosyante na nakikinabang sa turismo ng bansa na tigilan na ang pananamantala sa mga turista na bumibista sa kanilang mga lugar.

Ito’y matapos mag-viral sa social media ang diumano’y overpricing na nangyari sa Virgin Island, Bohol kung saan siningil ang isang grupo ng turista ng P26,000 para sa kanilang tanghalian.

Ayon sa kanya ay naiintindihan niya ang reaksyon ng publiko lalo na’t sagana ang bansa sa yamang dagat kaya naman ng makita nila ang presyo ng ibinebentang seafood ay agad itong nag-viral dahil sa pambabatikos.

Naniniwala si Sanchez na nasisira lamang ang imahe ng bansa dahil sa mga mapagsamantalang negosyante.

“I don’t understand why some establishments take advantage of tourists. They not only tarnish the image of the place but of the Philippines and its people.” sabi ng tanyag na mamamahayag.

“We need to stop treating foreign tourists as money bags waiting to be emptied. An establishment should treat foreigners as they treat locals. There is no better way to sell the country than to have foreigners talk about us in a good light.” dagdag pa niya.

Hiling din ni Sanchez na sana’y maimbistigahan mabuti ang nangyari at magsilbing babala ito sa iba pang negosyante na nakikinabang sa turismo sa bansa na itigil na ang pananamantala.

“Let this be a warning to opportunistic vendors. We want tourists to return, hopefully with relatives and friends in tow. Not leave with a bad taste in the mouth due to five-star hotel seafood prices on a sandbar.” sabi pa niya.

Sa ngayon ay ipinagbabawal na ang pagtitinda ng seafood sa nasabing isla na matagal na dapat pala ay noon pa ginawa dahil sa iligal ito.

Tumanggi namang humingi ng paumanhin ang mga vendor sa nasabing isla at sinabi na walang overpricing na nangyayari sa kanila kahit na ang buong bansa ay binabatikos na sila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular