HomeCelebritiesEncantadia writer na si Suzette Doctolero, humingi ng paumanhin dahil hindi tinapos...

Encantadia writer na si Suzette Doctolero, humingi ng paumanhin dahil hindi tinapos ang ‘Katips’

Humingi ng paumanhin ang manunulat ng ilan sa mga kilalang programa ng GMA-7 na si Suzette Doctolero matapos niyang hindi tapusin ang panonood ng pelikulang Katips.

Matatandaan na sinabi ni Doctolero na isang oras lamang ang kinaya niyang panoorin sa Katips na may habang dalawang oras ang 22 na minuto dahil sa nakakalito diumano ang istorya nito.

“Ayokong ireview ng buo itong Katips at hindi ko na tinapos. One hour and 10 mins lang pinanood ko. Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan.” ani Doctolero.

Nitong Agosto 7 ay sinabi ng manunulat na susubukan niya na lamang ulit panoorin ang Katips.

“Palagay ko ay unfair ako na nag walk out sa movie at sinabi kong ampanget after 1 hr and 20 mins na pinanood ito. Mas mabibigyan ko siguro ng tamang review kung makikita ko ang kabuuan. Paumanhin sa sinumang nasaktan sa review na kalahati lang ang nakita ko (mainipin po, pasensya, tao lang),” ani Doctolero.

“At dahil diyan ay uulutin ko ang panonood at sisikaping tapusin ito. Nawa ay may himala. Mainam ring mapanood ito ng buo (ng lahat) para mabigyan ng fair na paghuhusga (at para di na rin need mag pad pa sa kinita? Char! Biro lang!!). Salamat.” dagdag niya pa.

screencap 2022 08 08 at 11.03.01 PM
Screencap ng post ni Suzette Doctolero

Pero ayon sa kanyang mga kaibigan ay wala namang obligasyon si Doctolero na panoorin at tapusin ang Katips.

“I think oks lang maam na nagwalk out kayo at nagsabi na panget ang movie. Kesa naman hinayaan nyo po ang sarili nyo po na magsuffer na masuka sa sinehan. At that point of time dapat interesting na ang movie since nasa halos 3/4s na po kayo ng pelikula. Except nalang kung mala Detective Conan or Sherlock Holmes yan na nasa dulo talaga ang exciting part,” sabi ng isa sa mga kaibigan ng manunulat.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular