HomeCelebritiesCoach Chot Reyes sinabing hindi kailangan manalo ng top 33 na Gilas...

Coach Chot Reyes sinabing hindi kailangan manalo ng top 33 na Gilas sa top 55 na Lebanon: ” We don’t really need to win the game,”

Naniniwala ang Gilas Pilipinas coach na si Chot Reyes na hindi kailangang manalo ang Gilas Pilipinas sa laban nito sa Lebanon.

Ito’y kahit na ang ranking ng Pilipinas sa International Basketball Federation (FIBA) ay 33 habang ang Lebanon ay 55 lamang.

Sa panayam sa kanya ay sinabi ni Reyes na nagkaroon sila ng pagpupulong ng ilang mga coach kasama na sina Tim Cone, at Goldwyn Monteverde at napagkasunduan diumano nila na gagamitin lamang nila ang laban sa Lebanon at Saudi Arabia para malaman kung sino ang maari nilang kuning mga player sa FIBA World Cup na gaganapin sa susunod na taon.

Hindi diumano mahalaga ang manalo sa Lebanon para sa kanyang plano sa team.

chot reyes seagames

“Everything that we’re doing right now is we’re taking a look kung sino ang pwede, it’s an opportunity to study,” ani Reyes.

“We don’t really need to win the game against Lebanon. It’s good for PR, it’s gonna be good for me, I guess, (as response) to my haters but for the whole team objective not necessarily,” dagdag niya pa.

Naniniwala naman si Reyes na bago dumating ang World Cup ay makakalikha siya ng “best team”.

“We really need to continue figuring things out, learning and developing and growing. I’m very optimistic that we are going to put the best team together come August 2023.” sabi pa ni Reyes.

Matatandaan na inuulan ng batikos si Reyes dahil diumano sa sablay nitong mga coaching.

Ito’y matapos ang mga record-breaking na pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Indonesia at Japan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular