HomeCelebritiesAndi Eigenmann, ibinahagi na mayroong 'rare' cancer si Cherie Gil bago ito...

Andi Eigenmann, ibinahagi na mayroong ‘rare’ cancer si Cherie Gil bago ito pumanaw

Nagluksa ang bansa sa biglaang pagpanaw ng aktres na si Cherie Gil nitong Agosto 5.

Naging palaisipan naman sa mga netizens kung ano ang naging dahilan kung bakit pumanaw ang aktres ilang buwan matapos siyang magdesisyon na tumira sa ibang bansa.

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng pamilya Eigenmann kung ano nga ba ang naging dahilan ng pagpanaw ng aktres.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Andi Eigenmann ang pahayag ng kanilang pamilya tungkol sa nangyari sa aktres at ibinunyag nila na mayroon itong isang ‘rare type’ na cancer.

Ito diumano ang totoong dahilan kung bakit nagdesisyon si Cherie na tumira sa ibang bansa para mas matutukan ang kanyang pagpapagamot.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who expressed their concern for Cherie during this difficult time. 

“It is with heartfelt sorrow that we announce that Cherie passed away peacefully in her sleep on August 5th, at 4:48 a.m. EST after a brave battle against cancer.

“Cherie was diagnosed with a rare form of endometrial cancer in October of last year after deciding to relocate to New York City to be closer to her children. She then underwent treatment at the Memorial Sloan-Kettering Cancer Center of New York. 

“It was her request that her diagnosis be kept private, and as a family we supported her in this decision. Cherie fought bravely against her illness, with grace and strength. Despite her struggles she always managed to exude courage and never lost her trademark sass, wit, and infectious humor, or her larger-than-life personality. She spent her last days surrounded by family and loved ones.

Pili lamang ang nakakaalam sa nangyari sa aktres kasama na dito si Megastar Sharon Cuneta na dinalaw pa si Cherie ilang araw bago ito pumanaw.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung sa Pilipinas ba ilalagak ang mga labi ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular