HomeCelebritiesPolitical science professor, sinubukan i-tama ang kumakalat na impormasyon tungkol sa 198-M...

Political science professor, sinubukan i-tama ang kumakalat na impormasyon tungkol sa 198-M na kinita ng ‘Katips’

Isang political science professor na pumalag sa kumakalat na balita ngayon na kumita ng P198-M ang pelikulang ‘Katips’.

Kung mayroon itong katotohanan ay doble ang kinikita ng Katips sa karibal nito na Maid in Malacañang na kumita ng P100-M matapos ang apat na araw nilang showing.

“We’re proud 15m! Hope and Pray for all what fighting for. Congartulations!” sabi ng isang netizen na nag-post ng nasabing larawan sa Twitter.

Galing diumano sa Cinema Association of the Philippines ang nasabing impormasyon.

15 m

Ngunit ayon kay Contreras ay tila hindi maituturing na totoo ang nasabing balita.

Ayon kasi sa kanya ay wala naman siyang nakita na kahit anong impormasyon tungkol sa ‘Cinema Association of the Philippines’.

Wala rin diumano sa vivapinas.com ang nasabing kinita ng Katips.

“198 million in 4 days?! Except there is one problem.
I googled Cinema Association of the Philippines and I cannot seem to find an organization with such name.

“Though there is a National Cinema Association of the Philippines.  I also visited the website vivapinas.com at wala naman silang content o feature na ganyan ang nilalaman.

“I will keep looking, though. P.S. Hindi ko rin inaalis na pwedeng gawa-gawa rin ito ng mga galit sa “Katips” para lalo magalit ang mga tao. Malay natin.” sabi pa ng propesor.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo ang mga nasa likod ng Katips kung magkano na nga ba talaga ang kinita nila.

Ngunit ayon naman kay Atty. Vince Tañada na producer at direktor ng nasabing pelikula ay sold-out ang kanilang pelikula sa ilang sinehan.

READ MORE: Atty. Vince Tañada, sinabing ‘sold-out’ ang Katips sa ilang sinehan: “Sobrang lakas namin!”

“Ang laaakaass! Sobrang lakas namin. Nakakatuwa dahil nung unang araw pa lang namin sold out na kami doon sa mga prime SM Malls..dapat Aug 3 and 4 lang kami magpapalabas yung lang ang binigay ng SM sa amin kaya lang ngayon na-extend tayo hanggang may manonood daw talagang ipapalabas ang ‘Katips’ …talagang organic tong nagpupuntahang mga tao sa mga sinehan.” ani Tañada.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular