HomeCelebritiesMaggie Wilson, ibinunyag ang diumano'y ibang babae ang asawa niyang si Victor...

Maggie Wilson, ibinunyag ang diumano’y ibang babae ang asawa niyang si Victor Consunji: “I kept quiet for years”

Mayroong bagong rebelasyon ang model at aktres na si Maggie Wilson laban sa kanyang asawa na si Victor Consunji.

Sa kanyang Instagram post, binanggit ni Wilson ang gag order na ipinataw sa kanya ng korte at ang tingin niyang rason dito ay para patahimikin siya tungkol sa diumano’y babae ng kanyang bilyonaryong asawa.

Una siyang nagkaroon ng kutob noong 2019 dahil sa madalas diumanong magsama si Consunji at ang babae sa iba’t ibang lugar.

Napansin din niya na nagpo-post ang nasabing babae sa tirahan nila noon ni Consunji.

“In 2019, a woman (one of) despite her being married at the time, I found was taking “trips” and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our “conjugal” home, living her best life!” ani Wilson.

maggie 1.webp

Ayon sa kanya ay sinubukan niya na ayusin ang kanilang isyu sa pribadong paraan ngunit hindi ito pinakinggan ni Consunji at nagsampa pa ito ng kaso laban sa kanya.

“I’ve always believed in happiness (even now) for him and I, even if it’s not with me. I kept quiet for years and never wanted it to drag anyone else in to this but here | am, left with no choice.” sabi ng aktres.

wilson 2.webp

Nagpakita ito ng ilang ebidensya na magpapatunay sa kanyang akusasyon laban kay Consunji at sa nasabing babae na hindi pinangalanan ni Wilson.

Makikita sa mga larawan ang pagkukumpara ni Wilson sa mga larawan niya at sa larawan ng babae na tumitira sa bahay nila ni Consunji.

wilson 3

Makikita rin sa isa pang larawan ang mas malinaw na larawan ng babae kasama ang negosyante.

wilson 4

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang kampo ni Consunji tungkol sa mga akusasyon ni Wilson.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang pagpunta ng kampo ni Consunji sa isa sa mga conjugal property ni Wilson.

Ayon kasi sa aktres ay sinusubukan siyang palayasin ni Consunji sa kanyang bahay.

Makikita naman sa ilang dokyumento na inakusahan ni Consunji si Wilson na nakikipagrelasyon sa kanyang business partner na si Tim Connor at tumutuloy pa ito sa conjugal property nilang mag-asawa.

Hindi naman daw bibitaw si Wilson sa mga property na kahati niya sa asawa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular