HomeSocial MediaGintong buhok! Foreign tourist sa Boracay, siningil ng P16,000 para sa pag-tirintas...

Gintong buhok! Foreign tourist sa Boracay, siningil ng P16,000 para sa pag-tirintas ng kanyang buhok

Matapos ang nangyaring paniningil ng P26,000 sa isang grupo ng turista sa Panglao, Bohol ay tila may panibago nanamang isyu na pag-uusapan ang mga netizens.

Sa isang post sa Reddit, ibinahagi ng isang hotel manager ang naging karanasan ng kanyang guest sa Boracay na tila nabiktima ng ‘overpricing’.

Ayon sa manager ng hotel ay nasingil ang kanyang guest ng P16,000 matapos magpa-braid o tirintas ang kanyang anak sa nasabng tourist spot.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community.” sabi ng complainant..

screencap 2022 08 07 at 4.20.55 PM
Larawan mula kay u/LevantinBoracay

Ilang netizen naman ang nagsabi na hindi talaga maiiwasan sa Boracay ang mga ganyang insidente.

“Unfortunately maraming ganito sa Bora. Marami na rin nagpost sa FB pero walang aksyon from the LGU/Tourism office. Ang siste is sasabihin 300 lang. 300 per strand pala. This is a trap not just for foreign tourists, pati rin sa locals,” sabi ni u/itawesomeki.

Ibinahagi din nila ang isang video ng Korean vlogger na nabiktima rin ng ganitong klaseng modus sa Boracay.

Matatandaan na uso talaga sa Boracay ang hair braiding at karamihan ng mga pumupunta doon ay sumusubok nito.

Ngunit hindi naman aabot sa libo libong piso ang normal na presyo ng braiding sa Boracay.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang LGU ng Malay na may sakop sa isla tungkol sa isyu.

Maituturing na hamon naman ito para sa bagong administrasyon kung paano nila masosolusyunan ang diumano’y overpricing na nangyayari ngayon sa iba’t ibang sikat na destinasyon sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular