HomeCelebritiesElizabeth Oropesa, ibinahagi sa unang pagkakataon ang pagdukot at pagpapahirap sa kanya...

Elizabeth Oropesa, ibinahagi sa unang pagkakataon ang pagdukot at pagpapahirap sa kanya noon dahil sa pagiging Marcos loyalist niya

Ibinahagi ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa sa unang pagkakataon ang kanyang mapait na karanasan dahil sa kanyang pagiging loyalista sa pamilya Marcos.

Sa kanyang panayam sa DZRH News, ibinahagi ni Oropesa na sinabing 36 taon na siyang tagasuporta ng mga Marcos ang kanyang malupit na karanasan sa kamay ng mga galit sa dating pangulo.

Ayon sa kanya ay hindi man lang diumano naikwento sa kasaysayan ang istorya nilang mga loyalista na nakaranas din ng paghihirap noon dahil sa kaguluhan tungkol sa politika sa bansa.

“I was there before, during and after (people power),” paumpisa ni Oropesa. “Ako po ay dinukot, ngayon ko lang po ‘yan babanggitin, of course walang kinalaman ito sa Malacañang dahil nasa labas kami,” 

Kwento niya ay kasama niya noon sa mga rally ang mga kasamahan niya sa showbiz na sina Alona Alegre at Rio Diaz na kapwa niya loyalista.

Nangyari ang mga nasabing rally matapos ang pagpapatalsik sa mga Marcos sa Malacañang at dahil sa isa siyang tagasuporta ng dating pangulo ay isa siya sa mga pinag-initan.

“Wala pong nakaalam niyan na ni-blade ‘yung paa ko ngayon ko lang po nasabi sa tao kasi nagkaroon po ako ng pagkakataon,” sabi pa niya.

“Pagkatapos ng rally (ng mga pro-Marcos) biglang may dumampot sakin, sinugatan niya ‘yung paa ko.” dagdag niya pa.

Sa loob loob niya ay alam niya kung sino ang grupo na gumawa nito sa kanya.

“Itinali ako sa silya tapos ni-blade ‘yung paa ko, ang sabi sakin ‘wag ka ng magra-rally kung gusto mo pang humaba ang buhay mo’, tapos non iniwan nila ako sa Antipolo,” kwento pa niya.

Hanggang ngayon ay makikita parin daw sa talampakan ni Oropesa ang sugat na iniwan sa kanya ng nasabing grupo.

Sinabi rin niya na kahit ang pamilya Marcos ay hindi alam ang nangyari sa kanya noon kaya’t nagtataka sila kung bakit tila nagiging emosyonal si Oropesa sa mga eksena nila sa Maid in Malacañang.

Kung pagbabasehan ang mga natutunan niya sa pelikula ay wala parin daw ang naranasan niya sa mga paghihirap na hinarap noon ng mga Marcos.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular