HomeCelebritiesArnold Clavio, naalala ang masasayang moments nila ng pumanaw na aktres na...

Arnold Clavio, naalala ang masasayang moments nila ng pumanaw na aktres na si Cherie Gil

Isa ang mamamahayag na si Arnold Clavio sa mga inalala ang pumanaw na aktres na si Cherie Gil na pumanaw nitong Agosto 5.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Clavio ang ilang eksena sa guesting ni Gil sa kanyang programa na ‘Tonight with Arnold Clavio’.

Ayon sa post ni Clavio ay isa siya sa mga personalidad na gusto noon ni Gil na tapunan ng tubig na isa sa mga sikat na ginawa ng kanyang karakter na si Lavinia Argueless sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

Matatandaan na isa sa mga pinakasikat na linya ni Gil na “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” ay sa nasabi niyang pelikula sinabi.

“Sobrang saya ni @macherieamour when she guested sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) last January of 2019,” ani Clavio. “She even mentioned na nag-iipon siya ng personalities na matapunan niya ng glass of water from her iconic role as Lavinia Arguelles sa pelikulang Bituing Walang Ningning… And surprisingly , ako ang pangatlo sa listahan niya …” dagdag niya pa.

Pinagbigyan naman ni Clavio ang kahilingan ng aktres.

“Sobrang hiya niya after that dahil sabi niya newscaster ako . Sabi ko anything na magpapasaya sa mga kapuso , I’m fine with that… Once again , nawalan ng isang magaling na aktres ang Philippine movie … Enjoy your journer Madam … May your soul rest in peace.” sabi pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular