HomeCelebritiesWillie Revillame, hindi naitago ang tuwa sa narating ni Hipon Girl: "Nakita...

Willie Revillame, hindi naitago ang tuwa sa narating ni Hipon Girl: “Nakita ko yung pagsisikap”

Hindi naitago ni Willie Revillame ang kanyang kasiyahan sa layo ng narating ni Herlene Nicol Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ na kanyang nadiskubre sa programang Wowowin.

Sa programa ni Cristy Fermin, ibinahagi niya ang mensahe ni Kuya Wil para kay Hipon na matatandaang naging first runner-up sa ginanap na Binibining Pilipinas 2022.

Maliban sa pagiging first runner-up ay nakuha rin nito ang titulong Manila Bulletin Readers’ Choice Award, Binibining Shein, JAG Queen, Binibining Pizza Hut 2022, Binibining Silka, Binibining Kumu, at Binibining World Balance.

Ito rin ang kaisa-isang contestant na sumagot sa Q&A sa salitang Filipino.

Ayon kay Fermin ay ang tv host ang isa sa mga pinakamasaya sa nangyari kay Hipon.

“Alam mo, inang, nung una ko pa lang siyang makita, nung contestant pa lang siya, nakita ko sa kanya ang isang anak na lumalaban. Lumalaban, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para iahon sa hirap ang kanyang pamilya.” ani Revillame.

Yun ang nakita ko sa kanya. Nakita ko yung pagsisikap, professional, ginagawa ang lahat, hindi lang para sa sarili niyang ambisyon, kundi para mabigyan ng magandang buhay ang lolo at lola na nagpalaki sa kanya,” dagdag niya pa.

Matatandaan na isa si Willie sa nagpakita ng suporta kay Hipon sa pagsalita sa Binibining Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular