HomeCelebritiesRally yarn? Manonood, nagsisigaw sa loob ng sinehan matapos panoorin ang 'Katips':...

Rally yarn? Manonood, nagsisigaw sa loob ng sinehan matapos panoorin ang ‘Katips’: “Ang Presidente, Leni Robredo!”

Tila lalong nag-alab ang damdamin ng isang ‘Kakampink’ matapos mapanood ang pelikulang ‘Katips’ dahil sa tila nag ‘lightning rally’ ito sa loob mismo ng sinehan.

Sa video na ibinahagi ni Justin Aguas, makikita ang isang manonood na nakasoot ng kulay pink na sumisigaw habang paalis na ang mga manonood ng ‘Katips.

“Marcos magnanakaw, magnanakaw si Marcos!” sigaw ng lalaki.

Kasunod nito ay isinigaw naman nito ang paboritong linya ng mga Kakampink noong eleksyon na pinauso ni Gab Valenciano.

“Ang presidente, (Leni Robredo), bise presidente (Kiko Pangilinan),” sabi pa niya.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizen na magbigay ng komento sa nasabing video.

“Ndi cla maka move on tanggapin nlng poh pagkatalo nyo better luck next time ganern,” sabi ni maya Donato.

“Sana kayong mga kakampinks kung hindi naman na angkop ginagawa ng isa sa inyo sana inaawat nyo na or di nyo na tino-tolerate. Pare-pero tuloy kayong nag mumukang may sayad lahat..” ani Jeffrey Maycong.

“Uy tapos na eleksyon di parin maka moveon?? Talo na nga yung gusto nyong presidente at bise presidente e ano pang iniiyak nyo???” banat ni Angel Valencia.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit apat na milyong views ang nasabing video.

Wala pang pahayag si Robredo sa inasal ng kanyang supporter.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular