HomeSocial MediaPhilippine Competition Commission (PCC) may babala sa ABS-CBN at TV5 sa posibleng...

Philippine Competition Commission (PCC) may babala sa ABS-CBN at TV5 sa posibleng sanib pwersa nila

Nagbabala ang Philippine Competition Commission (PCC) sa TV5 at ABS-CBN sa gitna ng posibleng pagsasanib pwersa nila.

Matatandaan na ibinunyag ni Manual V. Pangilinan (MVP) na magkakaroon ng ‘joint venture’ sa pagitan ng dalawa sa pinakamalaking network sa bansa.

“We are not acquiring ABS-CBN. We are not acquiring any shares in ABS, instead they will be investing in TV5.” ani Pangilinan.

“The model we are working on is, it will be a joint venture between TV5, using the platform of TV5 as the free-to-air broadcast platform of both TV5 and PLDT Group and the ABS-CBN group,” dagdag pa niya.

Paalala naman ng PCC ay dapat siguraduhin ng TV5 at ABS-CBN na hindi mababawasan ang kompitensya sa TV industry dahil sa kanilang gagawing sanib pwersa.

“PCC trusts that firms undertaking sizeable mergers or acquisitions conduct due diligence to ensure compliance with our antitrust law and engage in consultation with the Commission, where necessary,” sabi ng PCC sa kanilang pahayag.

“This includes M&A or joint venture transactions with considerable share in the markets they operate in — such as the reported transaction between TV5 and ABS-CBN, two of the top media firms in the country,” dagdag pa nila.

Ayon sa PCC ay iniiwasan lamang nila na magkaroon ng bagong monopolyo sa telebisyon.

Matatandaan na ipinagbabawal sa batas ang pagkakaroon ng monopolyo.

Wala pang sagot ang ABS-CBN at TV5 sa babala ng PCC.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular