HomeSocial MediaPatama sa mga historian? Political scientist may paalala: "Dapat hindi tayo naghuhusga...

Patama sa mga historian? Political scientist may paalala: “Dapat hindi tayo naghuhusga sa hindi pa natin napapanood”

Isang political scientist ang nag-paalala sa kanyang mga kasamahan sa akademya na pairalin ang kanilang pagiging propesyonal sa gitna ng debate ngayon tungkol sa Maid in Malacañang.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Prof. Antonio Contreras na dapat ay hindi muna hinuhusgahan ang mga bagay na hindi pa napapanood o nababasa.

“Ang pinakainam na paraan para maipagtanggol natin ang ating mga propesyon ay ang maging propesyonal. Dapat hindi tayo naghuhusga sa mga bagay na hindi pa natin napapanood o nababasa.” ani Contreras.

screencap 2022 08 06 at 10.36.18 PM

“Bago natin asahang igalang ng iba ang ating propesyon, igalang muna natin ito. Hindi natin pwedeng gawing panangga ang agham kung tayo mismo ang hindi tumatalima sa panuntunan nito: ebidensya muna bago maghusga.” sabi niya pa sa isang post.

Ayon din sa kanya ay pabor siya na hindi tawagin na ‘profession’ ang political science.

“In my honest opinion, okay lang sabihin na hindi profession ang political science kasi ang totoo naman isa siyang academic discipline. Wala naman kaming licensure exam. Walang PRC Board sa political science.” aniya.

Matatandaan na naging paboritong paksa ng mga historian ngayon ang nasabing pelikula dahil isinasalarawan nito ang nangyari sa pamilya Marcos sa huling 72 oras nila sa kapangyarihan.

Kahit na hindi pa ito ipinapalabas at mga trailer pa lamang ang ipinapakita ng mga nasa likod ng MiM ay maraming historian at eksperto na kagad ang pumalag dito.

Lalo pang nag-init ang ulo ng mga historian matapos sabihin ng direktor ng MiM na si Darryl Yap na hindi dapat ituring na propesyon ang pagiging mananalaysay.

“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap. Kasi lahat ng tao, para makapagsulat ka, makapag-compile ka meron at meron kang emotional attachment at ‘yun ang nagiging bias mo,” sabi ni Yap sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Binatikos naman ito ng kilalang historian na si Prof. Xiao Chua.

“Being a historian SHOULD not be a profession? I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you.” ani Chua sa kanyang tweet.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular