HomeCelebritiesNetizen, kakasuhan ang isang 'Kakampink' dahil sa ginamit nito ang clinic nila...

Netizen, kakasuhan ang isang ‘Kakampink’ dahil sa ginamit nito ang clinic nila para mameke ng medical certificate

Isang nagpakilalang ‘ABM student at ‘CPA-Lawyer in the making’ ang posibleng makasuhan ng isang clinic dahil sa pamemeke nito ng health certificate.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Desiree Hernandez Gabayan na isa sa mga representative ng Vista Care Medical Clinic and Diagnostic Center ang pagkabisto nila sa nasabing estudyante na ginamit ang pangalan ng kanilang clinic para sa kanyang pekeng medical certificate.

Sa kwento ni Gabayan, tinawagan siya ng kumpanya kung saan diumano nagtatrabaho ang nasabing estudyante na si Fatima Erasmo Baduya upang beripikahin ang health certificate na ipinasa sa kanila nito.

Ngunit ayon kay Gabayan ay peke ang health certificate na ipinasa ni Baduya at ginamit lamang nito ang pangalan ng kanilang clinic.

“A company called our center to validate a Medical Certificate submitted to them by this lady, Fatima Baduya. Upon checking, she was never seen nor examined at our clinic. Also, the Doctor who branded this certificate is not in any way affiliated or connected to us. This is distinctly FRAUD.” ani Gabayan.

“DRY COUGH as a diagnosis is humiliating. Nasaan ang prinsipyo at moralidad mo? You are shameless. Vista Care Medical Clinic and Diagnostic Center will never encourage nor condone this act. We are currently coordinating with the company and will take all the necessary actions.” dagdag niya pa.

Dahil dito ay nagbabalak na magsampa ng kaso sila Gabayan laban kay Baduya na makikita pa sa ilang Facebook post ang salitang ‘prinsipyo at moralidad’

screencap 2022 08 06 at 10.01.04 PM

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Baduya sa pahayag ng clinic.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular