Home Celebrities Isa sa mga bida ng ‘Katips’ na si Jerome Ponce, pinanood ang Maid in Malacañang

Isa sa mga bida ng ‘Katips’ na si Jerome Ponce, pinanood ang Maid in Malacañang

0

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinanood ng isa sa mga bida ng ‘Katips’ na si Jerome Ponce ang karibal nilang pelikula na Maid in Malacañang.

Si Ponce ay gumaganap sa Katips bilang si Greg na isang estudyante at pinuno ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) na isa sa mga pinaka-aktibong grupo noong panahon ng martial law.

Sa kanyang post nitong Agosto 5, ibinahagi ni Direk Darryl Yap na kasama ni Ponce ang kasamahan niya sa Katips at nobya niyang si Sachzna Laparan sa panonood nila ng MiM.

“Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips.” ani Yap.

Kuha ng ina ni Sachzna na si Christine Laparan Policarpio ang larawan na ipinakita ni Yap.

“Iyak tawa! Sobrang ganda ng MiM wala akong masabi sa Darryl Yap namaga ang mata ko at grabe yung totoong MGA MAID SILA ANG TOTOONG BIDA! Bidang bida hahaha! And of course thank you Joseph Jerome Porciuncula sa pag sama.” sabi ni Policarpio.

Hindi naman naitago ni Sachzna ang kanyang paghanga sa nasabing pelikula.

“Ganda ng movie! Congrats!” sabi ng aktres.

Pinuri ng mga netizens si Sachzna dahil sa ‘professionalism’ na ipinakita nila.

Wala namang komento si Jerome sa kung ano ang masasabi niya sa pelikula.

 

 

Facebook Comments