Home Celebrities Trabahante ng DSWD, nanganganib masibak sa pwesto dahil sa akusasyon na kurakot si Citizen Duterte

Trabahante ng DSWD, nanganganib masibak sa pwesto dahil sa akusasyon na kurakot si Citizen Duterte

0

Nanganganib masibak sa pwesto ang isang nagpakilalang trabahante ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa mga pinagsasabi nitong hindi maganda laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni netizen Kimiko Caitlin Lauz ang isang ulat tungkol sa pagtitingin ng motorsiklo ni Duterte kasama si Sen. Christopher “Bong” Go habang sila ay nasa Maynila.

“Former president Rodrigo Duterte, a big bike enthusiast, was spotted shopping with Senator Bong Go at the Harley-Davidson Manila, a motorcycle shop in Bonifacio Global City, on Thursday.” ayon sa ulat.

Larawan mula sa Harley-Davidsons of Manila

Ngunit hindi natuwa si Lauz sa nasabing balita at sinabi na galing sa kurapsyon ang ginamit ni Duterte pambili ng motor.

“Pinambili na ng Motor ung naibulsa sa PHARMALLY at sa OVERPRICED a Laptop ng DepED.” sabi ni Lauz.

“Salamat PRRD Pinaghirapan mo pong magnakaw at ilubog kami sa utang. Deserve mo po yan  HAHAHAHAHA,” dagdag pa niya.

Hindi ito nagustuhan ng isang masugid na tagasuporta ni Duterte na si Krizette Laureta Chu at hiniling kay Erwin Tulfo na aksyunan ang mapanirang pahayag ng kanilang trabahante.

“Dear Kimiko Caitlin Lauz ng admin officer ng DSWD, hindi bumili si PRRD ng motor. Tumingin lang siya. Pakisabihan Sec. Erwin Tulfo ang libelous niyong trabahador kundi susugurin ko yan sa Batasan.” sabi ni Chu.

“Sinulatan ko si Sec. Tulfo sana mapansin,” dagdag niya pa.

Sumagot naman ang human resource (HR) division ng DSWD at nilinaw na noong 2020 pa wala si Lauz sa kanilang departamento.

“As per our HR. Former Contract of Service (COS) / MOA personnel , Administrative Asst of Standards Bureau. 2020 MOA not renewed. Engaged with DSWD until June 30 2020.” ayon sa HR ng DSWD.

Dahil dito ay tingin ni Chu ay ginagamit hanggang ngayon ni Lauz ang pangalan ng DSWD lalo na’t nakalagay parin ito sa kanyang Facebook profile.

Wala pang pahayag si Tulfo tungkol sa hiling ni Chu.

Facebook Comments