Home Social Media Tindera sa Panglao, inamin na depende sa turista ang kanilang presyo: “May Bisaya, Tagalog, Chinese at Korean na presyo”

Tindera sa Panglao, inamin na depende sa turista ang kanilang presyo: “May Bisaya, Tagalog, Chinese at Korean na presyo”

0

Inamin ng isang tindera sa Panglao, Bohol na nakadepende sa turista kung magkano ang magiging presyuhan nila sa kanilang mga itinitindang pagkain.

Sa eklusibong panayam ng News5 sa mga tindera ng Panglao ay makikita ang pagdismaya ng mga tindero at tindera doon matapos mag-viral ang paniningil ng P26,000 para sa seafood na inorder ng isang grupo ng turista.

“May Tagalog na presyo, may Bisaya na presyo, Chinese na presyo at may Korean na price po,” pag-amin ng isa sa mga tindera na nakapanayam ng News5.

Sinabi rin nito na nasa 60 na pamilya ngayon ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa nangyaring pananaga ng presyo sa mga turista.

Ayon naman sa mismong tindero na nagbenta ng P26,000 na seafood sa mga turista ay order lamang daw ng order ang mga ito kaya’t nagpatong patong ang kanilang bill.

Ipinagtanggol din nito ang saging na kanyang tinda at sinabi na 27 na stick ang order ng nasabing grupo kaya’t umabot ito ng 900 pesos.

Pero pinasinungalingan ito ng isa sa mga turista na parte ng grupo at sinabi rin nito na tila nilinlang sila ng tindero.

“Hindi lang siya overpricing sir ha. Dinagdagan nila ‘yung quantity. By the time na nag-order kami, hindi nila nilista agad. So doon lang sila naglista nung paalis na kami sa island,” sabi ng isa sa mga turista.

Ipinagkumpara din ng News5 ang presyo ng pusit sa palengke ng Panglao at sa virgin island.

Ayon sa mga nagtitinda doon ay 200 ang kada kilo ng pusit sa kanila habang sa virgin island naman ay 100 ang bentahan kada stick.

Hinihintay naman ng mga netizen ang magiging sagot ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Tourism (DOT) sa pag-amin ng mga vendor na idinedepende nila sa lahi ng turista ang kanilang presyuhan.

Facebook Comments