Home Celebrities Nagtinda ng P26,000 na pagkain sa Panglao, ipinakita ang kumpletong order ng turista

Nagtinda ng P26,000 na pagkain sa Panglao, ipinakita ang kumpletong order ng turista

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang negosyante na nagtinda ng mala-presyong ginto na seafood sa isang grupo ng mga turista sa Virgin Island, Panglao.

Sa post ng Biliran Island page, ibinahagi ng tindero kung ano nga ba ang itsura ng inorder ng grupo ng kaibigan ni netizen Vilma Uy.

Si Uy ang nag-post ng larawan ng resibo na nag-viral sa social media dahil sa makikita na P26,000 ang kinailangan bayaran ng mga turista para sa kanilang pagkain.

Iginiit ng tindero na tila nilito nila Uy ang mga netizens dahil sa bawas na ang mga pagkain na kanilang ibinahagi sa social media kaya naman ipinakita nila ang kumpletong order ng grupo upang depensahan ang kanilang sarili.

Itinanggi rin nila na walang overpricing na nangyari at nasa tamang presyo ang kanilang mga produkto.

Makikita sa larawan ang kumpletong order ng mga turista bago ito ihain sa kanila.

Ibinahagi din nila ang mas kumpletong listahan ng order ng mga turista na hindi kasama sa resibo.

  • Abalone- 18 pcs (150 each)
  • Isda- Red Snapper (2kg)
  • Isda-2 pcs Tuna (1.5kg each)
  • Isda Sugba-2pcs Snapper( 1 4kg each)
  • Scallops- (36pcs)
  • Oyster- (36pcs)
  • Squid- 2pcs (1.1kg each)
  • Lato-4 plates (200 per plate)
  • Baby squid- 15 sticks
  • Urchin – 24 small 15big
  • Saging-3 sticks for 100
  • Softdrinks-13pcs
  • Beer- 10pcs

Ngunit ayon sa mga netizen na nakakita ng larawan na ibinahagi ng negosyante ay overpricing parin ang ginawa nila.

“Over pricing talaga yan kahit san angulo tignan,, ako kusenero ako alam ko kung gaano lng aabutin ng ganyang price di talaga aabot ng 26k yan,,, over pricing talaga mga sir,,,, pasensya na pero pumapatas lang tau,,, over pricing talaga,” sabi ni netizen Alfred Basa.

“Taga bohol din ako, nakakahiya kayo ang mahal tlaga kunti lang yan grabe sa 26k,” wika ni Anne Bersano.

“Kahit ganito ka dami., hindi parin aabot sa 26k.. Grabe.. Anu lng ba yan. Kung iyan lng may over pricing parin,” komento ni Benedict Paqueo.

Sa ngayon ay ipinagbabawal na ang pagtitinda sa nasabing tourist spot dahil sa reklamo.

Nag-aalala naman ngayon ang mga negosyante kung saan sila kukuha ng pambili ng makakain ngayong wala silang maititinda.

Facebook Comments