Home Celebrities Encantadia creator Suzette Doctolero, hindi tinapos ang ‘Katips’: “Confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita”

Encantadia creator Suzette Doctolero, hindi tinapos ang ‘Katips’: “Confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita”

0

‘AMPANGET’ yan ang post ng tanyag na manunulat at may likha ng Encantadia na si Suzette Doctolero matapos niyang mapanood ang ‘Katips: The Movie’.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Doctolero na hindi niya natapos ang Katips na may habang dalawang oras at 22 na minuto dahil sa diumano’y nakakalito nitong istorya.

Nilinaw niya naman na hindi isang movie review ang kanyang post.

“Ayokong ireview ng buo itong Katips at hindi ko na tinapos. One hour and 10 mins lang pinanood ko. Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan.” ani Doctolero.

“So di ko alam kung gumanda ba nung second half? O confused pa rin. haha. Panoorin nyo pa rin at kayo ang maghusga.” dagdag niya pa.

Sinabi naman ni Doctolero na kung pelikulang tungkol sa martial ang pag-uusapan ay wala paring makakatalo sa ‘Dekada 70’ ni Lualhati Bautista.

Screencap ng post ni Suzette Doctolero

Ibinahagi din ni Doctolero ang post ng political scientist na si Prof. Antonio Contreras na sinabing tila mas maraming ‘revisionism’ ang Katips kaysa sa Maid in Malacañang na ilang beses inakusahan ng pagbabago ng kasaysayan.

“Dahil napanood ko ang “Maid” at “Katips” ay mas may K akong mag-compare. Ito lang masasabi ko. Mas marami pang revisionism akong nakita doon sa hindi ko inasahang magkakaroon ng revisionism.” ani Contreras.

Samantala ay todo papuri naman sa MiM si Doctolero.

“Malinaw sa filmmaker kung sino ang audience niya at kung paano magkukuwento kung kaya’t nasakyan ng audience ang pain ng isang pamilyang dati ay matayog at hari, at bumagsak. Pinaiyak, pinatawa, kinurot ang puso ng audience. Wala kasing pretension ang pelikula. Malinaw na ito ay kwento sa Point of View ng mga Marcos o pro Marcos.” sabi ng manunulat.

“Bilang manunulat, nakita ko ang yaman ng konsepto’t kwento. Although Hindi ito ang unang movie na tumalakay ng ganitong paksa, (nandiyan ang Evita Peron, ang Tsar (kwento ng mga Romanovs ng Russia) at ibp, pero matapang pa rin ang filmmaker na ginawa niya ito, kahit na alam niyang may mga pupuna. Deserve nito ang sucess sa takilya na tinamasa.” dagdag niya pa.

Mapapanood ang Katips at Maid in Malacañang sa mga sinehan.

Facebook Comments