Home Celebrities Direk Manny Castañeda, pinasalamatan ang mga ‘dilawan’ at ‘komunista’ sa tagumpay ng Maid in Malacañang

Direk Manny Castañeda, pinasalamatan ang mga ‘dilawan’ at ‘komunista’ sa tagumpay ng Maid in Malacañang

0

Isa ang kilalang direktor na si Manny Castañeda sa mga nagdiwang dahil sa maituturing na isang blockbuster ang pelikulang Maid in Malacañang.

Sa kanyang post, pinasalamatan ni Castañeda ang mga kritiko ng nasabing pelikula katulad ng mga ‘dilawan’, ‘komunista’ at mga ‘anti-Marcos’ dahil sila diumano ang naging dahilan kung bakit sikat na sikat ang nasabing pelikula.

“There’s no doubt Maid in Malacanang is a box office hit. Salamat sa mga dilawan, komunista at iba pang mga anti Marcos for giving it more than enough publicity. Dahil sa kanilang sobrang epal, yung kabilang kampo ang nakinabang.” ani Castañeda.

Pinasalamatan din niya ang Maid in Malacañang dahil sa binuhay nito muli ang industriya ng pelikulang Pilipino matapos ang ilang taong pandemya.

“Salamat din sa MIM ay binuhay nito ang industriya ng pelikulang pilipino pagkatapos ng mahabang pahinga dahil sa pandemya. Ganado uli ang mga Pinoy na manood ng sine.” sabi ng direktor.

Nagbigay din ito ng komento matapos niyang mapanood ang MiM at ibinahagi niya ang paborito niyang eksena.

“I loved the father and son confrontation scene!” ani Castañeda.

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit P40-M ang kinita ng Maid in Malacañang.

Inaasahan naman na lolobo pa ito ngayong weekend lalo na’t walang pasok ang karamihan sa mga tao.

Facebook Comments