Home Celebrities Atty. Vince Tañada, sinabing ‘sold-out’ ang Katips sa ilang sinehan: “Sobrang lakas namin!”

Atty. Vince Tañada, sinabing ‘sold-out’ ang Katips sa ilang sinehan: “Sobrang lakas namin!”

0

Hindi maitago ang kasiyahan ng direktor at producer ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada dahil diumano sa patok na patok sa takilya ang kanyang pelikula.

Sa kanyang panayam sa kanya nitong Agosto 5, ibinahagi ni Tañada ang mabuting balita dahil sa nadagdagan ang araw ng kanilang mga showing sa iba’t ibang sinehan dahil sa dami ng nanonood diumano sa Katips.

Ipinagmalaki pa nito na ‘organic’ ang mga nanonood sa kanila at wala diumanong mga grupo na bumili ng ticket para ipamigay sa mga tao.

“Ang laaakaass! Sobrang lakas namin. Nakakatuwa dahil nung unang araw pa lang namin sold out na kami doon sa mga prime SM Malls..dapat Aug 3 and 4 lang kami magpapalabas yung lang ang binigay ng SM sa amin kaya lang ngayon na-extend tayo hanggang may manonood daw talagang ipapalabas ang ‘Katips’ …talagang organic tong nagpupuntahang mga tao sa mga sinehan.” ani Tañada.

Hindi naman malaman kung pinapatamaan ba ni Tañada ang Maid in Malacañang na hindi rin maikakailang patok sa mga manonood.

Wala pang inilalabas total ticket sales ang kampo ng direktor habang ang MiM ay sinabing kumita na sila ng mahigit P40-M.

Inaasahan naman na magpapatuloy ang patagisan ng dalawang pelikula ngayong weekend kung saan pinakamarami ang posibleng manood sa mga sinehan.

Facebook Comments