Home Celebrities Romnick Sarmenta may patama sa isang kasamahan sa showbiz na “binabago ang katotohanan”

Romnick Sarmenta may patama sa isang kasamahan sa showbiz na “binabago ang katotohanan”

0

May patama ang aktor na si Romnick Sarmenta sa isang kasamahan niya sa showbusiness na diumano’y ginagamit ang ‘art’ upang baguhin ang katotohanan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Sarmenta na hindi na siya magbibigay ng komento sa nasabi niyang kasamahan ngunit naglaan parin ito ng oras para sa kanyang post para patamaan ang binabangit niya.

“Magco comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining. Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.” sabi ni Sarmenta.

“E di magalit kayo. Nagsasabi lang ako ng tutoo.” dagdag niya pa.

Larawan ng tweet ni Romnick Sarmenta (@Relampago1972)

Hindi man binanggit ni Sarmenta ang kanyang pinapatamaan ay agad naman nahulaan ng mga netizens kung sino ang binabangit nito.

Ayon sa ilang netizen ay si Giselle Sanchez ang binabangit ng aktor dahil sa matatandaan na nagsalita ang aktres tungkol sa kanyang pagtanggap ng role bilang Cory Aquino sa Maid in Malacañang.

Larawan mula sa Maid in Malacañang trailer

“I have always wanted to do a project with Direk Daryll Yap as I am a big fan of his works… I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon “Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should seduce and it should agitate..” ani Sanchez.

Nauna ng batikusin si Sanchez sa sarili niyang Facebook post ng direktor na si Floy Quintos.

“Please, please, please JUSTsay you wanted to do the role or needed to do the role. But please do not use or parrot the line that Art should disturb.” ani Quintos.

READ MORE: Giselle Sanchez na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘MiM’ binatikos ng isang direktor: “Your movie is in no way, Art..”

“Your movie is in no way, Art. No matter what your patroness/ producer says.” dagdag pa nito.

Wala pang sagot si Sanchez sa banat sa kanya ni Sarmenta na kilala sa kanyang pagiging matapang sa mga hindi kaparehas ng kanyang paniniwala.

Matatandaan na noong Mayo ay hinimok niya ang mga kaibigan niyang bumoto kay PBBM na i-unfriend siya.

“Kung kasama ka sa 30M, paki-unfollow o unfriend na po ako.” banat ni Sarmenta.

Facebook Comments