Home Celebrities Kampo ni Dr. Yumol, susubukan na patunayan na ‘wala sa katinuan’ ang kanilang kliyente

Kampo ni Dr. Yumol, susubukan na patunayan na ‘wala sa katinuan’ ang kanilang kliyente

0

Susubukan ng mga abogado ni Dr. Chao-Tiao Yumol na palabasin na ‘insane’ ang kanilang kliyente kaya’t nagawa niya ang pag-atake sa Ateneo de Manila noong Hulyo 24.

Si Yumol ang suspek sa pagkasawi ni dating Lamitan Mayor Rose Furigay, aide nito at isang security guard sa Ateneo.

Nitong Agosto 4 ay pinagpaliban ng korte ang pagdinig sa kaso ni Yumol dahil sa hiniling ng kampo nito na kailangan makita ang estado ng kanyang pag-iisip.

Ayon sa kanila ay kailangan dumaan sa mental health test si Yumol dahil sa posibleng wala na sa katinuan ang suspek ng ginawa niya ang pag-atake sa Ateneo.

Itutuloy sa Septyembre 16 ang pagdinig sa kaso ni Yumol.

“The arraignment was deferred to Sept. 16. The lawyer of the accused asked the court that he be checked by a medical expert for exhibiting symptoms of having an unsound mind,” sabi ni Atty. Quirino Esguerra, abogado ng pamilya Furigay.

Matatandaan na ikinuwento ni Yumol na tatlong beses na siyang nakaligtas matapos siyang subukan patahimikin diumano ng pamilya Furigay dahil sa kanyang mga akusasyon.

Kinasuhan din ito ng patong patong na demanda ng pamilya Furigay na naging dahilan upang magbayad siya ng milyong milyong piso at matigil sa propesyon niya bilang doktor.

“Sakal na sakal na ko sir eh… Humingi naman ako ng tulong sa gobyerno lahat lahat nangako sila na tutulungan nila ako, nag-utos pa sila na bibigyan nila ako ng abogado pero wala naman,” sabi ni Yumol noong araw na siya ay mahuli.

“Sobra ‘yung opression na ginawa sakin ng court sa Zamboanga.. lahat ng bail ko forfeit nila, na-operahan ako sa mukha, na-operahan ako sa ulo, ni-forfeit nila ang bail ko, hindi ako makakapagtrabaho ng isang taon ,” dagdag niya pa.

Facebook Comments